Home » Columns » Green and Clean » WALANG LUSOT

WALANG LUSOT

Selosa si misis kaya palaging chine-check ang kanyang babaerong mister tuwing umuuwi galing opisina. Isang araw, pag-uwi ni mister…

Misis: Ano ka ba, tignan mo itong polo mo   may buhok na kulay blonde, siguro pumatol ka sa isang Americana ano?  Hudas ka!

Mister: Hindi, kumain lang ako ng mais at nadikit yung buhok (palusot lang).

Kinabukasan….

Misis: Ano ba talaga… kahapon blonde, ngayon kulot naman… walanghiya ka talaga. Papatayin kita.

Mister: (Palusot uli) Hindi, nadikit lang yan kasi hiniram ko kanina ang suklay ng isang kaopisina kong kulot (lusot ulit).

Kinabukasan talagang sobrang pag-iingat ang ginawa ni mister upang hindi na mabisto.  Pinagpag muna niya ng husto ang damit bago umuwi.

Misis: (Walang makita kahit isang buhok.) Walanghiya ka talaga… buwisit ka… pati kalbo, pinapatulan mo na ngayon!

0saves
If you enjoyed this post, please consider leaving a comment or subscribing to the RSS feed to have future articles delivered to your feed reader.