Home » Columns » Batu-Bato Sa Langit » Sino Ang Dapat Sisihin?

Sino Ang Dapat Sisihin?

Saan natututo, bukod sa eskuwela?
Di ba’t sa tahanan ang laging umpisa?
Anak natututo nitong ABAKADA
Na ang kadalasa’y nagtuturo’y ina.

Magmula sa kuna at ugoy ng duyan
Awit pampatulog na napapakinggan
Kakantahin ito pagdating ng araw
At gagayahin rin, ibang natutuhan.

Ang ideayang aming ibig iparating
Kahit born sa U.S. Filipino children
MakapagTagalog dapat ring sanayin
At kung di marunong, sisisihi’y parents!

Madalas mangyari, ito’y inyong mapapansin
Mga batang pinoy, sa U.S. pagdating
Matatas pa yung Tagalog ang galing ng accent
Hindi magtatagal. Mawawala ito. Nilipad ng hangin!!

5.Ang nakakatuwa’y sa totoo lang
marami rin namang Pinoy-American
Nagkakainterest na kanilang matutunan
ang language at culture na pinanggalingan
Ngayong malaki na, saka mag-aaral.

Ang problema nito kapag lumaki na
Heritage students, me katigasan na
Learning style ng me idad siyempre ibang iba
Di gaya nang maliit, nung bata pa sila.

Kasi akala nyo, sila’y makuconfuse
Kabayan, you are wrong dapat n’yong matalos
Ang isip ng bata habang sila’y musmos
Kagaya ng sponge mabilis humigop!

[ad#philpolitics180x150]Ang gagawin lamang, sila’y kausapin
Di naman mahirap, basta’t Tagalugin
Tiyak ang marinig, s’yang gagayahin
Ito ang simulang sa isip matanim.

Wag kayong magworry, English maaacguire
Malaki ring asset ang maging bilingual
Maski sa eskuwela, requirement kung minsan
Sa ibang trabaho’y may bonus na ibibgay.

Paalala lang ‘to, believe me my friends
Itong inyong lingkod, isang language teacher
Sa larangang ito na pinasok namin
Itong aming tinutukoy, batay sa experience.

Wag na n’yong hintayin pa, na kayo’y sumbatan
Na kayong magulang ang may kasalanan
Wag na ninyong ipatutore, gastos ay iwasan
At bago pa sila’y Kayo rin mag-aral!.

0saves
If you enjoyed this post, please consider leaving a comment or subscribing to the RSS feed to have future articles delivered to your feed reader.